Philippine Army kinumpirmang dalawang babaeng suicide bombers ang nagpasabog sa Jolo, Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 10:58 AM

Kinumpirma ng Philippine Army (PA) na dalawang babaeng suicide bombers ang nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Philippine Army Commanding General, Lt. General Cirilito Sobejana, isa dito ay Indonesian national.

Sinabi ni Sobejana na ang naturang babaeng bomber ay biyuda ng local terrorist na si Norman Lasuca.

Ang 23 anyos na si Lasuca ang kauna-unahang Pinoy suicide bomber na nagpasabog ng sarili sa isang military camp sa Indanan, Sulu noong June 2019.

Para tuluyang makumpirma ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng bombers, sinabi ni Sobejana na patuloy na kinakalap ang mga nagkalat na flesh sa bombing site upang maisailalim sa scientific testing.

 

TAGS: Inquirer News, Jolo, jolo bombing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, suicide bombers, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twin Bombing, Inquirer News, Jolo, jolo bombing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, suicide bombers, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twin Bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.