Pangulong Duterte tiniyak na mananagot ang mga sangkot sa korapsyon PhilHealth

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 10:20 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon sa Philhealth.

Sa kaniyang televised public address, sinabi ng pangulo na siya mismo ang mag-eendorso at pipirma ng isasampang reklamo laban sa mga opisyal.

Sa ngayon sinabi ng pangulo na hahayaan niyang gumulong ang imbestigasyon ni Justice Sec. Menardo Guevarra kasama ang mga miyembro ng binuong task force.

Ang binuong task force ay pinamumunuan ng DOJ kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ng pangulo na sa nalalabing dalawang taon sa kaniyang termino ay nais niyang maubos ang mga kurap sa PhilHealth.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth corruption, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth corruption, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.