Panukalang pagbibigay ng prangkisa sa DITO Telecom lusot na sa Kamara
Aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng 25 taong prangkisa ang third telco na DITO Telecommunity Corp. ng negosyanteng si Dennis Uy.
Sa botong 240 Yes, 7 No at zero abstention ay nakalusot sa huling pagbasa ang House Bill 7332 kung saan pinapayagan na ang DITO telco na kumpletuhin ang roll-out, pagtatag at installations ng kanilang telecommunication system sa buong bansa.
Binubuo ang DITO telco ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., Udenna Corp, at China Telecom.
Matatandaang noong July 8, 2019 ay iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DITO Telecommunity ang “permit to operate” bilang third telco provider ng bansa.
Inaasahang sisimulan na ng DITO Telco ang kanilang commercial operations sa Marso ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.