Kambal na pagsabog sa Jolo kinondena ng mga kongresista

By Erwin Aguilon August 25, 2020 - 09:57 AM

Nagpahayag ng mariing pagkundina ang mga kongresista ang insidente ng dalawang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 15 katao kabilang ang mga sundalo at sibilyan at ikinasugat ng 76 na iba pa.

Ayon kay Defense and National Security Vice Chairman Ruffy Biazon, malinaw na terorismo ang ugat ng pag-atake.

Umaasa ang kongresista na may masampulan at may mapanagot sa insidenteng ito sa ilalim ng pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law.

Sinabi naman ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na ang naganap na trahedya ay isang matinding paalala kung bakit kinakailangang labanan na ang terorismo sa bansa.

Nanawagan si Nograles sa Joint task force Sulu na tugisin ang mga nasa likod ng pagsabog at bigyang hustisya sa lalong madaling panahon ang mga biktima.

Hinimok naman ni Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan ang mga taga-Mindanao na manatili ang pagtitimpi at kahinahunan sa gitna ng gulo kasabay ng panghihimok sa mga otoridad na magsagawa ng isang malalimang na imbestigasyon.

Hinikayat din ng Mindanaoan solon ang LGUs na paigtingin at iprayoridad ang kaligtasan at seguridad sa bawat komunidad laban sa anumang posibleng pag-atake.

 

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Jolo, Jolo blast, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sulu, Sulu Blast, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Jolo, Jolo blast, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sulu, Sulu Blast, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.