Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni National Studies Expert Professor Rommel Banlaoi na batay ito sa mga ulat na kanilang natanggap.
Maari aniyang bahagi ng “family terrorism” ang nangyari at posibleng ang babaeng suicide bomber ay ang anak ng isang Egyptian na bomber.
Ito na ang ikalimang insidente ng pambobomba na ayon kay Banlaoi ay maaring magkakaugnay.
Ang una ay naganap sa Lamitan na ang nasa likod ay isang German national na may Moroccan descent.
Sumunod sa Indanan na ang nasa likod ay isang Pinoy at Indonesian bomber.
Ikatlo ay ang nangyari sa Jolo Cathedran na isang Moroccan din ang nasa likod.
Nagkaroon pa ng tangkang pagpapasabog na isang babaeng Egyptian bomber ang suspek.
At ang ikalima ay ang nangyari kahapon sa Jolo.
Sinabi ni Banlaoi na lumalakas ang isyu ng family terrorism sa bansa.
Maari aniyang sinamantala ng mga terorista ang pagka-abala ng mga otoridad sa ibang gawain gaya ng pagtugon ng bansa sa problema sa COVID-19.