Egyptian national posibleng nasa likod ng suicide bombing sa Jolo, Sulu – Prof. Banlaoi

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 08:18 AM

May ulat na isang Egyptian national na mayroong Moroccan descent ang babaeng suicide bomber na nasa likod ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni National Studies Expert Professor Rommel Banlaoi na batay ito sa mga ulat na kanilang natanggap.

Maari aniyang bahagi ng “family terrorism” ang nangyari at posibleng ang babaeng suicide bomber ay ang anak ng isang Egyptian na bomber.

Ito na ang ikalimang insidente ng pambobomba na ayon kay Banlaoi ay maaring magkakaugnay.

Ang una ay naganap sa Lamitan na ang nasa likod ay isang German national na may Moroccan descent.

Sumunod sa Indanan na ang nasa likod ay isang Pinoy at Indonesian bomber.

Ikatlo ay ang nangyari sa Jolo Cathedran na isang Moroccan din ang nasa likod.

Nagkaroon pa ng tangkang pagpapasabog na isang babaeng Egyptian bomber ang suspek.

At ang ikalima ay ang nangyari kahapon sa Jolo.

Sinabi ni Banlaoi na lumalakas ang isyu ng family terrorism sa bansa.

Maari aniyang sinamantala ng mga terorista ang pagka-abala ng mga otoridad sa ibang gawain gaya ng pagtugon ng bansa sa problema sa COVID-19.

 

 

TAGS: egyptian national, Inquirer News, Jolo blast, jolo bombing, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, suicide bombing, Tagalog breaking news, tagalog news website, egyptian national, Inquirer News, Jolo blast, jolo bombing, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, suicide bombing, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.