100 katao pinangangambahang na-trap sa gumuhong gusali sa India

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 07:59 AM

Nagpapatuloy ang operasyon ng mga otoridad gumuhong limang palapag na gusali sa Mumbai, India.

Pinangangambahang aabot sa 100 ang bilang ng mga na-trap sa naturang gusali.

Ayon sa mga otoridad, tinatayang aabot sa 200 ang residente sa gumuhong gusali pero hindi lahat sila ay nasa bahay nang mangyari ang insidente.

Ang gusali ay mayroong 47 flats na tinitirahan ng mga residente.

Isa ang naitatalang nasawi sa insidente habang 15 pa ang nasugatan.

Pinaghahanap naman ang nasa 100 pa.

Nakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa lugar bago mangyari ang pagguho ng gusali.

 

 

TAGS: Building, India, Inquirer News, mumbai, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Building, India, Inquirer News, mumbai, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.