Ipinatawag sa City Hall ang siyam na empleyado matapos makuhanan ng larawan ng isang netizen na lumalabag sa social distancing habang nasa sa loob sila ng sasakyan.
Nakatikim ng sermon mula kay Mayor Gatchalian ang siyam at pinatawan ng 14 na araw na work suspension.
Pinagsasailalim din sila sa community service at kailangang magtrabaho bilang contact tracer ng 14 na araw sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Paalala ng alkalde, mahigpit ang pagpapatupad ng minimum health standards sa lungsod, maging sa pribado man o pampublikong sektor at ang lahat ay dapat na sumunod sa health protocols.
Iginiit ng alkalde sa mga kawani ng City Hall na hindi dahil government employee sila ay exempted na sa mga batas.