Chinese Vessels sa Quirino atoll, umalis na – DFA

By Kathleen Betina Aenlle March 03, 2016 - 05:09 AM

Jackson Atoll, West Philippine Sea, Palawan Philippines-775889Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga lumabas na ulat tungkol sa umano’y pag-kubkob ng China sa Quirino atoll, na kilala rin bilang Jackson atoll.

Ayon kay DFA Sec. Albert del Rosario, wala na ang mga Chinese vessels na unang namataan sa teritoryo ng Pilipinas.

Una nang isinumbong ni Kalayaan Mayor Eugenio Bito-onon Jr. ang presensya ng hindi bababa sa limang barko ng China na pumipigil sa mga mangingisda na maka-palaot.

Ani Del Rosario, nakatanggap na sila ng paunang ulat mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan dalawang linggo na ang nakalipas, na may mga barko ng Chinese Coast Guard ang namataan sa Quirino atoll.

Ngunit aniya, pagdating ng Miyerkules ng hapon ay wala naman nang namataan pang anumang barko ng China sa nasabing lugar.

Maari aniyang walang katotohanan ang impormasyon hinggil sa pananakop ng China sa pinag-aagawang teritoryo, ngunit hindi naman niya isinasantabi ang posibilidad na maaring bumalik sa mga susunod na araw ang mga barkong ito, at maari rin namang hindi.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang panawagan ng Pilipinas sa China na itigil na ang ginagawa nitong pananakop sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Umaasa naman si Del Rosario na maisakatuparan na ang joint patrols ng Pilipinas at Amerika para mapigilan na ang panggu-gulo ng China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.