Bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu 15 na; mahigit 70 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 06:14 AM

Umakyat na sa labinglima ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sa datos mula sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakalap ng Radyo INQUIRER, 7 sundalo ang nasawi, 6 na sibilyan, 1 pulis, at ang suicide bomber.

Mayroon namang 48 sibilyan na nasugatan, 19 na sundalo at 9 na pulis.

Ang unang pagsabog ay naganap alas 11:55 ng umaga malapit sa Paradise Food Plaza sa Barangay Walled City sa Jolo.

Habang rumeresponde ang mga sundalo at pulis sa bomb site, isang suicide bomber ang nagpasabog malapit naman sa Development Bank of the Philippines ala 1:00 ng hapon.

Nagpatupad na ng lockdown sa buong Metro Jolo para sa kaligtasan ng mga residente.

 

 

 

 

 

TAGS: AFP Westmincom, Inquirer News, Jolo attack, Jolo Blasts, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sulu Explosion, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP Westmincom, Inquirer News, Jolo attack, Jolo Blasts, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sulu Explosion, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.