Northern at Central Luzon apektado ng Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 06:03 AM

Habagat pa rin ang umiiral sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA dahil sa Habagat, ang Ilocos provinces, Batanes, at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makakararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil din sa Habagat at sa localized thunderstorms.

Ang dating bagyong Igme na ngayon ay si Typhoon Bavi ay huling namataan sa layong 990 kilometers north northeast ng extreme northern Luzon.

Patuloy nitong pinalalakas at hinahatak ang Habagat.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 2 hanggang 3 araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa.

 

 

 

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, habagat, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.