LOOK: Bagong barangay schedule sa Pasig Mega Market

By Angellic Jordan August 24, 2020 - 10:59 PM

Magpapatupad ng bagong barangay schedule sa Pasig Mega Market.

Ayon sa Pasig City Public Information Office, ito ay alinsunod sa Executive Order no. 43, s. 2020.

Epektibo ang bagong barangay schedule sa nasabing pamilihan sa araw ng Martes, August 25.

Simula sa nasabing petsa, 15 barangay kada araw ang papayagang makapasok sa Mega Market.

Narito ang schedule:

Magbubukas ang Pasig Mega Market simula 5:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng gabi.

Sarado naman ang nasabing pamilihan tuwing Lunes para sa gagawaing disinfection.

Pinaalalahanan naman ang mga residente na huwag kalimutang magdala ng ID.

Istrikto ring ipatutupad ang social distancing measures sa pamilihan.

TAGS: bagong barangay schedule sa Pasig Mega Market, COVID-19 response, Inquirer News, Pasig PIO, Radyo Inquirer news, bagong barangay schedule sa Pasig Mega Market, COVID-19 response, Inquirer News, Pasig PIO, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.