Bombing incidents sa Sulu, kinondena ni Sen. Go

By Jan Escosio August 24, 2020 - 10:14 PM

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu ay patunay na hindi pinahahalagahan ng mga terorista ang buhay.

Sa pagkondena ng senador sa insidente, sinabi nito na sa walang awang pagpatay sa mga sundalo ay idinamay pa ang mga inosenteng sibilyan.

Diin nito, lubos na nagsusumikap si Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng kapayapaan sa bansa ngunit nagpapatuloy pa rin ang terorismo at maraming buhay ang nasasayang.

Aniya, naglilingkod lang naman sa bayan at mamamayan ang mga sundalo.

Hiniling na rin ng senador sa mga kinauukulang ahensiya na kumilos para mahuli ang mapanagot ang mga nasa likod ng dalawang pambobomba.

TAGS: Inquirer News, Jolo twin blasts August 24, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Sulu bombing, Inquirer News, Jolo twin blasts August 24, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Sulu bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.