COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 2,681
Napaulat ang 69 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (August 24), 2,681 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 947 ang aktibong kaso.
145 ang itinuturing na probable cases habang 1,180 ang suspected cases kung saan 8,909 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng 15 ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 1,628 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot naman sa 106 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.