Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, pumalo na sa 10,000

Nadagdagan pa ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 10,004 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Lunes ng umaga (August 24).

Ang nasabing bilang ng mga kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,535 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

7,070 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 399 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 10,501 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...