Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa mahigit 17,000

By Mary Rose Cabrales August 24, 2020 - 08:49 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (August 24, 3:00 PM) nakapagtala ng 289 na bagong kaso kaya pumalo na sa 17,054 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,875
Laguna – 6,302
Batangas – 2,607
Rizal – 3,385
Quezon – 885

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 11,388.

Nasa 5,227 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 62 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 1,835
Batangas – 1,035
Rizal – 1,060
Quezon – 453

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng lima kaya umabot na sa 439 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 105
Batangas – 72
Rizal – 156
Quezon – 28

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.