Habagat, nakakaapekto pa rin sa ilang bahagi ng bansa
Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, makakaapekto pa rin ang Habagat lalo na sa Northern at Central luzon.
Magdudulot aniya ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa bahagi ng Batanes at Babuyan Group of Islands hanggang Lunes ng gabi, August 24.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang Metro Manila, sinabi ni Figuracion na pulo-pulong pag-ulan ang nararanasan bunsod ng thunderstorms.
Simula sa araw ng Martes, August 24, asahan aniyang makakaranas na ng mainit na panahon sa bansa.
Ngunit, may posibilidad pa rin aniyang magkaroon ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.