Pakikipag-usap sa China itinigil na ng gobyerno

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni Pangulong Noynoy Aquino ang pasya nito na ipatigil ang pakikipag-dayalogo sa China sa isyu ng iringan sa South China Sea.

Iginiit ito n Pangulo matapos na sabihin ng Foreign Minister ng China na kung mayroong dapat na sisihin sa pagtaas ng tensyon sa South China Sea ito ay ang Pilipinas na biglang  tumigil sa pakikipag-usap sa Chinese government.

Paglilinaw ng Pangulo, matagal na umanong nakikipag-usap sa China ang kanyang pamahalaan pero wala namang nangyayari dahil hindi nakikinig ang Chinese government sa inihahaing mga isyu ng Pilipinas.

Ang problema aniya sa tuwing mag-uusap sila ay ang sinasabi ng China na kanila ang lahat ng lugar sa bahagi ng West Philippine Sea .

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng Pilipinas ang pasya ng United Nations Tribunal sa petisyon ng bansa na linawin ang maritime dispute sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na bineperipika pa ng Foreign Affairs officials ang balita na tinake-over na ng China ang Quirino o Jackson Atoll malapit sa Kalayaan Island sa Palawan.

Read more...