Malakanyang kinondena ang dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu

By Angellic Jordan August 24, 2020 - 04:46 PM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang dalawang naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sa inilabas na pahayag, nagparating ng pakikiramay si Presidential spokesperson Harry Roque sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang mga otoridad para alamin kung sinu-sinong indibiduwal o grupo ang nasa likod ng pag-atake.

Hinikayat din nito ang mga residente sa Jolo na manatiling alerto.

Agad aniyang i-report sa mga otoridad sakaling makakita ng mga kahina-hinalang indibiduwal o bagay sa lugar.

TAGS: Inquirer News, jolo bombing, Jolo bombing August 24, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sulu bombing, Sulu bombing August 24, Inquirer News, jolo bombing, Jolo bombing August 24, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sulu bombing, Sulu bombing August 24

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.