Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 24, umakyat na sa 10,003 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,247 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
61 naman ang bagong gumaling na Pinoy abroad sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 6,014 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, siyam pang Filipinos ang pumanaw kung kaya 742 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,946 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,158 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 792 naman ang kaso sa Americas at 1,107 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.