Isang sundalo patay, anim sugatan sa ikalawang pagsabog sa Sulu

Nasawi ang isang sundalo at anim na iba pa ang nasugatan sa ikalawang pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu.

Sa inisyal na report, naganap ang ikalawang pagsabog dakong 12:55 ng tanghali, August 24, sa harapan ng Development Bank of the Philippines sa Plaza Rizal, General Aroles St., Barangay Walled City na katapat lamang ng pinangyarihan ng unang pagsabog.

Kabilang sa nasawi ay isang miyembro ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa mga nasugatan naman, dalawa ay mula sa 3IB at anim naman mula sa pambansang pulisya.

Read more...