Ligtas na naihatid ang ilang locally stranded individual (LSI) sa Palawan, araw ng Linggo (August 23).
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lulan ang 45 LSIs ng BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) mula sa Maynila.
Tumulong ang mga tauhan ng PCG sa pagbababa ng mga gamit at health protocol sa bawat LSI bago inihatid ng kani-kanilang local government unit sa isolation facility.
Ito ay bahagi pa rin ng ‘Hatid Tulong Initiative’ ng gobyerno para masigurong maayos ang pag-uwi ng mga na-stranded sa Maynila sa gitna ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.