BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 194,000 na
Halos 5,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 24), umabot na sa 194,252 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 59,200 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,686 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 95 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 13 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,010 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 729 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 132,042 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.