Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 23 kilometers Northeast ng nasabing bayan bandang 2:32 ng hapon.

14 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4 – Guiuan at Salcedo, Eastern Samar
Intensity 3 – Tacloban City

Wala namang napaulat na pinsala dulot ng lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks.

Read more...