Construction ng bagong Panglao Island Airport nagsimula na

By Alvin Barcelona March 02, 2016 - 08:14 PM

tagbilaran
Inquirer file photo

Aabot sa 1.7Million na mga turista kada taon ang inaasahang madadagdag sa bansa oras na matapos ang mas malaking Panglao Airport sa lalawigan ng Bohol.

Sinabi ito ni Pangulong Noynoy matapos na pangunahan ang ceremonial time capsule laying sa ginagawang paliparan sa Panglao Island.

Ayon sa Pangulo, papalitan nito ang mas maliit na Tagbilaran Airport na may kakayahan lamang na tumanggap ng isang eroplano.

Paliwanag ng Pangulo, “ang problema kasi ng Tagbilaran Airport ay maikli ang runway nito at hind na pwedeng palakihin pa ang kasalukuyang lugar nito”.

Dahil aniya dito, kapag may na-stall na eroplano, kanselado na ang lahat flights sa paliparan.

Umaasa si PNoy na wala nang magiging aberya sa nasabing proyekto at matatapos ito sa takdang panahon sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Transportation Sec.Jun Abaya na kapag nakumpleto ang nasabing Airport sa December 2017 ay magkakaroon ito ng kakayahan na tumanggap ng 1.7 Milyong pasahero mula sa kasalukuyang 500Thousand passengers na kapasidad ng Tagbilaran Airport kada taon.

Samantala, idinagdag ng Chief Executive na bukod sa Panglao Airport ay naglaan din ang kanyang pamahalaan mula 2011 hanggang 2016 ng kabuuang P10.45Billion na halaga ng mga infrastructure projects tulad ng pagsasa-ayos ng mag kalsada, pagkukumpuni at pagpapagawa ng mga bagong eskuwelahan at konstruksyon ng Panglao National Road.

TAGS: Aquino, Bohol, DOTC, Panglao, Tagbilaran, Aquino, Bohol, DOTC, Panglao, Tagbilaran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.