Palasyo, tiniyak na hindi magkakaroon ng toll fee sa EDSA
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi magkakaroon ng toll fee sa kahabaan ng EDSA.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng Department of Transportation (DOTr) na mayroong mga stakeholder ang nagsusulong na lagyan ng toll fee ang EDSA.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang inisyatibo ang administrasyon ni Pangulong Duterte na maglagay ng toll fee sa EDSA.
Kung mayroon man aniyang bayad ang pagdaan sa EDSA, maaaring sa susunod na administrasyon na ito.
“Wala pong ganung initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man sa ibang Presidente po ‘yun,” pahayag ni Roque.
Ang EDSA ang nagsisilbing pangunahing lansangan sa Metro Manila na palaging mabigat ang daloy ng trapiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.