748 na DepEd personnel, students tinamaan ng COVID-19

By Jan Escosio August 24, 2020 - 12:59 PM

Umabot na sa 748 ang bilang ng mga tauhan ng DepEd, kasama na mga guro at estudyante, ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ang ibinahagi ni Education Usec. Alan Pascua at aniya ang bilang ay hanggang noon lang Agosto 18.

Paliwanag pa ni Pascua, sa naturang bilang, 311 ang guro, 169 ang non-teaching personnel at 268 ang estudyante.

Aniya, 318 ang nanatiling active cases, 408 ang gumaling at 22 ang namatay.

Sa DepEd Central Office, 15 ang naging kaso, siyam ang aktibo, lima ang naka-recover at may isa ang namatay.

Nabatid na sa 22 na namatay, anim ang estudyante, siyam ang guro at pito ang non-teaching personnel.

Ibinahagi din ni Pascua, nagkaroon ng pagbabago sa kanilang COVID-19 protocols alinsunod pa rin sa mga abiso ng DOH.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, deped teachers, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, deped teachers, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.