‘Rev Gov’ initiators sipsip kay Pangulong Duterte ayon kay Senator Gatchalian

By Jan Escosio August 24, 2020 - 12:45 PM

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na ang mga nagsusulong ng ‘revolutionary government’ ay gustong mapalapit at sumipsip kay Pangulong Duterte.

Katuwiran ni Gatchalian, sa pangalan pa lang ng grupo, ang Mayor Rodrigo Duterte National Executive Council ay malinaw na ginagamit lang nila ang Punong Ehekutibo.

Naniniwala ang senador na ang pagsusulong ng revolutionary government ay magdudulot lang ng pagkakahati ng sambayanan at aniya hindi ito ang kailangan dahil nasa gitna ng pandemiya ang bansa.

Dagdag pa ni Gatchalian sa mga nakalipas na pagdinig sa Senado ukol sa pederalismo, ang mga economic advisers na mismo ng Malakanyang ang nagsabi na sa halip na makatulong ay makakasama pa ito sa ekonomiya ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na hindi dapat seryosohin ang panawagan para sa revolutionary government.

Aniya panggulo lang ito sa kinahaharap na COVID 19 crisis.

Diin ni Hontiveros ang kailangan ng sambayanan sa ngayon ay trabaho at pagtiyak sa kanilang kalusugan.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, revolutionary government, Rodrigo Duterte, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, revolutionary government, Rodrigo Duterte, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.