Pagpapatupad ng Bayanihan 2 mahigpit na babantayan ng Kamara

By Erwin Aguilon August 24, 2020 - 12:34 PM

Siniguro ni House Majority Leader Martin Romualdez ang mahigpit na pagbabantay sa pagpapatupad ng Bayanihan 2.

Ayon kay Romualdez, mula sa unang araw ng pagpapatupad ng batas ay imo-monitor nilang maigi ang paggugol sa pondong inilaan sa bawat ahensya ng gobyerno.

Hindi aniya katanggap-tanggap kung magkakaroon ng delay sa disbursement ng budget sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19.

Nakasaad sa inaprubahang Bayanihan 2 ang pagkakaroon ng P165 billion na pondo.

Sa ilalim nito, magkakaloob ng P5,000 hanggang P8,000 na emergency subsidy para sa mga low-income households sa mga piling lugar na kinailangang isailalim sa mahigpit na community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, mga households na may kababalik na OFW at mga displaced workers.

 

 

 

TAGS: Bayanihan 2, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan 2, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.