Sundalo pinugutan ng Maute Brothers

By Ruel Perez March 02, 2016 - 08:02 PM

maute
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isa sa limang nasawing sundalo sa naganap na labanan sa Butig, Lanao del Sur ay pinugutan ng ulo ng teroristang grupo na pinangunahan ng Maute Brothers.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla ikinalulungkot nila ang sinapit ng isa sa kanilang mga kasamahan kung kaya’t masusi nila itong dinodokumento para masampahan nila ng kaukulang kaso ang nasabing grupo.

Paliwanag ni Padilla, pinapakita lamang nito kung gaano ka kabrutal ang Maute Brothers.

Sa ngayon inihahanda na ng AFP ang pagsasampa ng reklamo laban sa Maute group na siyang nakasagupa ng mga operating troops ng Philippine Army 103rd Brigade sa Barangay Puktan.

Giit ni Padilla na ang ginawang pamumugot ng ulo ng Maute group sa isang sundalo ay isang warcrime.

Samantala, binisita ngayong araw ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang Western Mindanao Command kasama si Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento para kausapin ang kanilang tropa sa kahalagahan sa isinagawang operasyon laban sa teroristang grupo na patuloy sa paghasik ng mga karahasan.

TAGS: AFP, Butig, Lanao Del Sur, Maute Brothers, Padilla, AFP, Butig, Lanao Del Sur, Maute Brothers, Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.