Pabagu-bagong pahayag ni Senator Zubiri tungkol sa Bayanihan 2 binatikos ng isang lider ng Kamara

By Erwin Aguilon August 24, 2020 - 12:20 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga mambabatas na napikon sa naging insinuation ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may halong “personal motives” ang pagsusulong ng mga kongresista sa mga nakalatag na programa sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Pinuna ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo, chairman ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET), ang aniya’y pabagu-bagong pahayag ni Zubiri laban sa mga kongresista.

Kung maari aniya ay ihinto na ng senador ang pagsisinungaling nito dahil wala naman aniyang iba pang ibig sabihin ang naging pahaging nito sa House contingent sa Bicam kundi ang sariling pagdududa na mayroong isinusulong na personal agenda ang mga kongresista.

Tila nananaginip aniya ang senador nang sabihin nito sa plenaryo ng Senado noong Huwebes na wala naman siyang masamang iniisip sa mga kongresista dahil mismong si Sen. Pia Cayetano ay napikon din aniya rito.

Mababatid na pinuna ni Cayetano ang mga kapwa nito senador dahil sa pahaging ng mga ito sa mga kongresista.

Patutsada pa ni Salo, maaring nasa time warp si Zubiri dahil sa iniisip pa rin daw nito ang personal at partisan agenda ng House leadershipp noong mga panahon na siya ay kongresista pa ng bukidnon.

Nauna nang idinipensa nina Deputy Speaker Dan Fernandez at House Committee on Public Accounts chairman Mike Defensor ang House contingent at iginiit na 40 major provisions ng Bayanihan 2 ang inilatag ng Kamara at ito ay basta inadopt lamang ng mga senador. Erwin Aguilon

 

 

 

 

TAGS: Bayanihan 2, Inquirer News, Kabayan party-list Rep. Ron Salo, Migz Zubiri, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan 2, Inquirer News, Kabayan party-list Rep. Ron Salo, Migz Zubiri, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.