Pangulong Duterte nagpaabot ng pagbati sa DepEd sa paglulunsad ng “Handang Isip Handang Bukas Program”
Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng Handang Isip, Handang Bukas program ng Department of Education (DepEd).
Ilulunsad ngayong araw ng DepEd ang naturang programa para mas maintindihan ang distance learning na gagawin para sa 2030-2021 school year dahil sa COVID-19.
Ayon sa pangulo, dahil sa COVID-19, kinakailangan na magkaroon ng alternatibong pamamaraan sa pagtuturo para masiguro na makaiiwas sa naturang sakit ang mga estudyante at mga guro.
“Our current situations with COVID-19 pandemic requires us to adapt innovative and effective measures to maintain the progress of students while ensuring their outmost health and safety.
ipinagbabawal pa rin ni Pangulong Duterte ang face to face classes dahil sa Covid 19,” pahayag ng Pangulo.
Hinimok ni Pangulong Duterte ang lahat na magtulungan ang lahat para masiguro na maging maayos ang pag aaral ng mga estudyante.
“I join you in yuour collaborative efforts in demonstrating the capacity and preparedness of DepEd to operationalize learning delivery modalities in various goal settings,” pahayag ng Pangulo.
“Let us work together to successfully get the students back to track as we promote their well being amidst the global health crisis,” dagdag ng Pangulo.
August 24 unang itinakda ng Deped ang pagbubukas ng klase subalit dahil sa banta ng COVId-19, iniurong ito sa Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.