Rizal Park binuksan muli simula ngayong araw para sa mga nais mag-ehersisyo

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2020 - 11:26 AM

Binuksan muli ang Rizal Park o Luneta sa Maynila simula ngayong araw (Aug. 24) para sa mga nais mag-ehersisyo.

Ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), may ipatutupad ding pagbabago health protocols sa muling pagbubukas ng parke.

Bukas lamang ang Rizal Park para sa mga mag-eehersisyo mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga kada araw.

Pero bago makapasok sa parke, kailangang mag-check in online.

Gamit ang cellphone, kailangang kumuha ng QR Code sa messanger ng SafePass FB Page.

Ang entry requests ay valid lamang sa loob ng isang araw, perp pwedeng gamitin sa multiple entry at exit sa maghapon.

Kung babalik sa parke, kailangang muling mag-check in online.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, excercise, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, NPDC, Radyo Inquirer, Rizal Park, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, excercise, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, NPDC, Radyo Inquirer, Rizal Park, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.