Bagong ayos na Lagusnilad underpass pormal nang binuksan
Pormal nang ipinasilip ngayong araw August 24 ang bagong bihis na Manila City Hall underpass o mas kilala bilang Lagusnilad underpass.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ribbon cutting na hudyat ng pormal na pagbubukas nito.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) si G. Ronn Fernando at Egay Fernandez. Kasama rin sa pagdiriwang si NPDC Director Cecille Lorenzana Romero at Atty. Guiller Asido ng Intramuros Administration.
Ang disenyo ng bagong underpass ay mula sa ideya ng mga architect mula sa University of Sto. Tomas.
Samantala, ang naglalakihang mural ay iginuhit ni Marianne Rios, Jano Gonzales at Ianna Engano mula sa Gerilya.
Ang mga signages na makikita sa Lagusnilad underpass ay mula kina Raven Angel Rivota ng Far Eastern University, Edrian Garcia at John Leyson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.