Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 23.5 million na

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2020 - 09:09 AM

Umabot na sa mahigit 23.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Aug. 24) ay 23,577,649 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 206,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,874,146 matapos makapagtala ng mahigit 32,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 23,000 bagong kaso habang mahigit 61,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Spain ay muling umakyat sa pang-siyam sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Chile.

Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,605,783
India – 3,105,185
Russia – 956,749
South Africa – 609,773
Peru – 594,326
Mexico – 537,031
Colombia – 541,147
Spain – 407,879
Chile – 397,665

TAGS: Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global covid cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global covid cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.