Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ang pagyanig sa layong 42 kilometers northeast ng Baganga, alas 8:24 ng umaga ngayong Lunes, August 24.

Ayon sa datos ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometers.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Baganga, Manay and Cateel, Davao Oriental
Intensity II – Mati City, Davao Oriental; Lingig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur

Instrumental Intensities:
Intensity II – Bislig City, Surigao del Sur
Intensity I – Malungon, Sarangani; Gingoog City; Misamis Oriental

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. Dona Dominguez-Cargullo/Radyo INQUIRER

Excerpt: Naitala ang pagyanig sa layong 42 kilometers northeast ng Baganga, alas 8:24 ng umaga ngayong Lunes, August 24.

Read more...