Gym natuklasang nag-oopetrate sa QC; 12 ang inaresto

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2020 - 08:38 AM

Umabot sa 12 ang naaresto sa isang gym sa Quezon City na natuklasang nag-ooperate kahit ipinagbabawal ito sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine (GCQ).

Sinalakay ng mga tauhan ng Task Force Disiplina ng Quezon City ang naturang gym sa Barangay Holy Spirit.

Nadatnan ang mga lalaki sa loob ng gym na pawang wala pang suot na face masks.

Katwiran ng mga ito, hindi nila alam na bawal pa ang pagbubukas ng gym sa ilalim ng GCQ.

Hindi naman dinatnan sa lugar ang may-ari ng gym.

Dinala sa Batasan Police Station ang 12 naaresto at mahaharap sila sa paglabag sa Republic Act 13332 oo Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sa ilalim ng guidelines ng Department of Trade and Industry, bawal pa ang pagbubukas ng mga gym.

Kabilang din sa bawal pang magbukas sa ilalim ng GCQ, ang mga review center at internet cafes.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, GCQ, GCQ guidelines, general community quarantine, Gym, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, GCQ, GCQ guidelines, general community quarantine, Gym, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.