Carrascal, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers northeast ng bayan ng Carrascal, alas-5:52 madaling araw ng Lunes (August 24)

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...