Mahigit 13.2 milyong pamilya nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP – DSWD

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2020 - 06:18 AM

Umabot na sa mahigit P79 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakuha ng Radyo INQUIRER, hanggang noong gabi ng August 22, 2020 ay umabot na sa P79.3 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.

Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 13,285,248 na pamilyang benepisyaryo.

Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.

Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, SAP beneficiaries, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, SAP beneficiaries, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.