Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 3,022

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, August 22) , nadagdagan ng 45 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 3,022.

Sa nasabing bilang 1,169 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 200 kung saan 4 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 4,391.

 

 

 

Read more...