Northern at Central Luzon apektado ng Habagat

Magpapaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw.

Sa weather forecast ng PAGASA apektado ng Habagat ang Nothern Luzon at Central Luzon.

Dahil dito, ang Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Habagat at localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Dahil sa malakas na hangin na dulot ng habagat, nakataas ang gale warning ang bawal ang pumalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa susunod na tatlong araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa.

 

 

Read more...