Labingtatlo katao, sugatan sa pagsabog sa Sulu

11696654_846492658768845_2123951189_n
Courtesy of Joint Task Group Sulu

(updated) Labingtatlo katao ang sugatan nang hagisan ng granada ang isang sasakyan ng military na galing sa pamamalengke. Naganap ang insidente alas 7:07 ng umaga sa Scott Road sa Jolo, Sulu.

Ayon sa report ni Col. Bernardino Sun, Officer in Charge ng 501st Brigade sa Sulu, ang granada ay inihagis ng suspek sa isang bumibiyaheng KM 450 troop carrier vehicle ng 32nd Infantry Battalion subalit hindi ang target ang natamaan nito kundi ang mga taong naghahatid ng mga bata sa naturang eskwelahan.
Padaan sa Hadji Botoh School of Arts and Trade ang naturang military vehicle na may sakay na mga sundalo nang hagisan ng granada.

Kabilang sa mga sugatan sina Hassan T. Linsani, 42-taong gulang, Rodelio Gitgit, 40-taong gula, Jayjay Gitgit, 10-taong gulang, Mohammad Heshum Alkhimar, 6-taong gulang, Jemmy Boon, 52-taong gulang, Marry Boon, 32-taong gulang, Felina Misuari, 40-taong gulang, Rofiya Raffi, 32-taong gulang, Ibno Abdulmain, 32-taong gulang, Ferdauzia Rajek, 24-taong gulang at Sitti Kausar Assadi, 51-taong gulang.

Dalawa sa mga nasugatan ay hindi pa nakikilala. Apat sa mga sugatan ay dinala sa Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Kinumpima naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na miyembro nga ng Abu Sayyaf Group ang riding-in-tandem na naghagis ng granada.

Ayon kay Col. Alan Arojado, commander ng Task Force Sulu, ang dalawang suspek ay kabilang sa grupo ni Aljun Adum, na tagasunod naman ni Ajang Ajang na alalay ni ASG Sub-leader Ninun Jawhari.

Kagabi din ay isang konsehal ng barangay ang binaril ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ang naturang pamamaril at ang paghahagis ng granada ay hinihilang bahagi ng test mission ng mga bagong recruit ng ASG./Ulat mula kay Josephine Codilla / Jan Escosio

Read more...