Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.3 at 3.2 na lindol

Dalawang magkasunod na pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 13 kilometers southwest ng bayan ng San Miguel, alas-12:22 madaling araw ng Lunes (August 24) at may lalim na 14 kilometers.

Magnitude 3.2 naman ang sumunod na naitala sa 63 kilometers northeast ng bayan ng Lingig, alas-12:30 madaling araw at may lalim na 38 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...