Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, August 23, 6PM) umakyat na sa 3,380 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 2,479 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit.
Ang COVID-19 related deaths naman ay 16.
Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay 711 at 2,688 naman ang suspected case.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES