Sen. Lacson, naniniwalang sapat ang mga ebidensya sa anomalya sa PhilHealth

August 23, 2020 - 06:56 PM

Naniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson na sapat na ang mga ebidensya at testimonya ng mga testigo para madiin sa P30 bilyong anomalya sina PhilHealth president and CEO Ricardo Morales, at Senior Vice President Renato Limsiaco.

Ayon kay Lacson, matibay ang pahayag ng mga testigo sa tatlong beses na pagdinig na ginawa ng Senado.

Napatunayan aniya sa pagdinig sa Senado na miyembro ng isang mafia ang mga execom members ng PhilHealth.

Sa ngayon, nai-turnover na aniya kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga dokumento na nakalap ng Senado.

Kasong kriminal aniya ang maaaring isampa sa mga opisyal ng PhilHealth.

TAGS: Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.