Mauban Mayor Marita Llamas, nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Mauban, Quezon Mayor Marita Llamas.
Inanunsiyo ito ng alkalde sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account.
Ayon sa alkalde, positibo siya sa nakakahawang sakit batay sa lumabas na resulta ng kaniyang RT PCT test noong Sabado, August 22.
Sinabi naman ni Llamas na maayos ang kaniyang kondisyon at wala siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon, nakasailalim aniya siya sa home quarantine base sa itinakda ng pamahalaan.
Hinikayat naman ng alkalde ang lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim sa self-isolation.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente sa Mauban na manatili na lamang sa loob ng tahanan at sundin ang minimum public health standards para sa kaligtasan ng lahat.
“Ang pamahalaang lokal, sa pamamagitan ng Municipal IATF, ay patuloy na nagpaplano at kumikilos upang ang mga nakalatag na konkretong plano ay mas maging epektibo kasabay ng patuloy na pangangalaga at pagtugon sa pangangailangan ng bawat Maubanin,” ani Llamas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.