Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 3,276
By Angellic Jordan August 23, 2020 - 12:30 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (August 23), 3,276 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
764 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,684 ang suspected cases.
Umakyat naman sa 2,428 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 15 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.