Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 51 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 11:11 ng umaga.

103 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala ang pagyanig sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...