Pahayag ito ni Go matapos makatanggap ng ulat na tina-tamper o sinisira ang mga dokumento para mapagtakpan ang anomalya sa PhilHealth.
“Nakakuha po tayo ng mga balita na may mga nagtatangkang sirain o itago ang mga dokumento sa mga PhilHealth regional offices na posibleng maging ebidensya ng anomalya. Sinabihan ko po agad ang NBI na silipin ito at siguraduhin na walang magagalaw upang maprotektahan ang integridad ng imbestigasyon ng task force,” pahayag ni Go.
“The NBI said that they will also conduct an inventory of all cases being handled by PhilHealth regional legal offices in order to secure documents including affidavits and hospital records. They will also secure possible witnesses,” pahayag ni Go.
Hinimok din ni Go ang mga awtoridad na hulihin at parusahan ang mga nasa likod ng pagsira ng mga dokumento.
“Kaya nga ilang beses ko nang sinabi—-pilayan, putulan ng daliri upang hindi na makagalaw. Gamitin dapat ng task force ang ngipin nito para matigil ang kalokohan na nangyayari sa PhilHealth,” dagdag ni Go.
“Nabalitaan namin sa Pangasinan sa Region 1 nasira daw ‘yung mga dokumento dahil sa ulan. I’m urging the NBI task force to investigate kung mayroon bang kalokohan dito,” pahayag ni Go.