58 pang Filipino abroad, gumaling sa COVID-19
Nasa walo pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 22, umakyat na sa 9,983 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,323 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
58 naman ang bagong gumaling kung kaya 5,927 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, nanatili sa 733 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,927 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,158 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 792 naman ang kaso sa Americas at 1,106 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.